19
July
2007
Ode to the Pasig River (Filipino)
While fixing my blog, I came across this old poem I made when I was a third year student. We were asked to make an ode to the Pasig River as our literary exercise, and the best one would be forwarded to a national contest. Mine was not good enough, hehe. The professor told me that the poem was too negative and it will not win me anything. So they decided not to send it. :p
Tinig ng Buhay, Tanging Pamana
Salamat sa kaliluhan ng mga mabubuting kaluluwang
Nakatira sa gilid ng pasigang walang bahid,
Naranasan mong magdusa nang labis,
Maging abang lubha sa bawat magdamag.
Saglit na ligaya’y ipinagkait
At binura sa kalendaryo ng kasaysayan.
Lumipas na ang dati mong araw,
Pati na ang saliw ng bangka ni Abelardo,
Ang mga isda’t halaman sa bughaw mong tubig,
Ang dalisay na buhay na iyong ipinamahagi,
Lahat ay kumubli sa lihim ng kapighatian
At di na muling nasilayan ang banaag.
Bagama’t naging taksil ang ‘yong kapalaran,
Nanatili kang isang magiting na mandirigma,
Lalong nag-iibayo ang katapangan sa bawat lagapak.
Ito na lamang angtangi mong maipapamana,
Tagubiling “Munting pag-asa’y disin magpagapi
Kundi, siyang buhay ay mapipigtil.”
Isa kang bayani ng kasalukuyang lahi,
Buhay mo’y inalay sa bayang mahal,
Ngunit sa kadakilaan mo’y sakit ang kapalit.
Sana’y mga nilalang ay matutong magtanda.
Sa bawat hakbang ay lumingon nang kabilaan,
Nang di matulad sa yaring sawing palad.
— “Ode to the Pasig River” (2002)
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Nathan
Follow Me 



Affiliates 



Category
Tags
Blogroll
Archives
Meta
About the Author
My Projects 
This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.
Leave a Reply